Sampung Salitang Filipino Na Di Masyadong Ginagamit

Isa sa mga gamit ng wika ay para sa komunikasyon. Ang komunikasyon ay isinasagawa natin sa pangaraw-araw na pamumuhay. Tayo’y nakikipagusap, nakikipagsalita, nakikipagtalastasan at nakikipagtalakayan gamit ang mga salita.

Ngunit sa pagusbong ng panahon ay may mga nagbabago. May mga salitang nadagdag at may mga salitang di na masyadong ginagamit di tulad noon. Hayaan niyo akong magbahagi ng mga salitang Filipino na di na masyadong ginagamit upang mamulat ang ibang mga Pilipino na may mga salita pa palang tulad ng mga ito.


1.) sipnayan– matematika

Halimbawa:
Napakasayang matuto ng sipnayan.


2.) talailigan– diksyunaryo o talahulugan.

Halimbawa:
Gumamit ka ng talailigan upang malaman mo ang kahulugan ng mga salita.


3.) awanggan– walang katapusan

Halimbawa:

Tila awanggan ang pagbuhos ng ulan sa kalangitan.


4.) hatinig– telepono

Halimbawa:
Sasagutin ko muna ang hatinig kasi may tumatawag.


5.) durungawan– bintana

Halimbawa:
Siya ay nagmumuni-muni malapit sa durungawan.


6.) salipawpaw- eroplano

Halimbawa:
Gustong-gusto ko talagang makasakay ng salipawpaw.


7.) anluwage- karpentero

Halimbawa:
Inaayos pa ng anluwage ang aming bahay.


8.) miktinig– mikropono

Halimbawa:
Karanawing ginagamit ng mga mangaawit ang miktinig.


9.) kalupi– pitaka

Halimbawa:
Nawala ang aking kalupi na puno ng pera.


10.) sambat- tinidor

Halimbawa:
Nahulog ang ginagamit kong sambat habang ako’y kumakain.



12 thoughts on “Sampung Salitang Filipino Na Di Masyadong Ginagamit

Leave a comment